Mensahe ng Lider ng Rebolusyon para sa mga kabataan sa mga bansa sa kanluran
Sa ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain
Sa mga kabataan sa mga bansa sa kanluran,
Ang mga mapapait na kaganapan dala ng bulag na terorismo sa Pransya ang muling nag-udyok sa akin upang makipag-usap sa inyong mga kabataan. Nakalulungkot na ang katulad nitong masaklap na pangyayari ang kinakailangang maging dahilan ng usapan, subalit ang katotohanan ay kung ang masasakit na bagay na ito ay hindi hahanapan ng solusyon at di pagsisimulan ng konsultasyon, ang pinsalang dulot nito ay mas lalala.
Ang paghihirap ng bawat tao saan mang sulok ng mundo ay nagdudulot din ng lungkot sa kapwa niya. Ang panoorin ang isang batang binabawian ng buhay sa harap ng kanyang mga mahal sa buhay,ang kasiyahan na nadadarama ng isang ina tungo sa kanyang pamilya na nagiging pagluluksa, ang isang ginoo na itinatakbo ang walang buhay na katawan ng kanyang asawa sa kung saan at mga nanonood na hindi nakakatiyak kung masasaksihan pa nila ang mga huling sandali ng isang buhay – ang mga tagpong ito ay nagiging sanhi ng pagsilakbo ng emosyon at damdamin ng kahit a sinong tao. Sinuman na biniyayaan ng pagmamahal at pagkahabag sa kapwa tao ay maaapektohan at mahahabag sa pagkakasaksi ng mga eksenang ito – ito man ay naganap sa Pransya, sa Palestine, Lebanon, Iraq o sa Syria.
Walang duda, na ganito rin ang nararamdaman ng mahigit kumulang isa’t kalahating bilyong Muslim sa buong mundo at sila din ay nasusuklam sa mga taong may kagagawan at responsable sa mga trahedyang ito. Ang mahalagang tanong sa ngayon ay “kung ang paghihirap ba ngayon ay hindi tutuldukan ng paglikha ng mas maganda at mas ligtas na kinabukasan mababawasan ba nito ang mga mapapait at walang silbing ala-ala? Ako ay naniniwala na tanging kayo lamang na mga kabataan na natuto sa mga leksyon ng kasalukuyang paghihirap ang may kakayahang makatuklas ng mga bagong paraan sa paghubog ng kinabukasan at hadlangan ang pagkaligaw ng landas na nagsadlak sa mga taga kanluran sa kanyang kinalalagyan sa kasalukuyan.
May katotohanan na terorismo ang nagdudulot ng sakit na pare-pareho nating dinadanas sa kasalukuyan. Subalit mahalagang inyong malaman na ang takot at pangamba na inyong nadama sa mga nakalipas na pangyayari, ay naiiba sa sakit na patuloy na dinaranas ng mga mamamayan ng Iraq, Yemen, Syria at Afghanistan sa loob ng maraming taon, sa dalawang magkaibang aspeto. Una, ang “Islamic World” ay patuloy na nagiging biktima ng malawakang takot at kalupitan sa loob ng mas mahabang panahon. Pangalawa, sa kasamaang palad ang mg karahasang ito ay suportado ng ilang makapangyarihan bansa sa ibat-ibang paraan.
Sa kasalukuyan, bibihira na lamang ang hindi nakakaalam sa papel na ginagampanan Estados Unidos sa paglikha, pagsasanay at pag-armas sa al-Qaeda, Taliban at ilan pang mapanganib na tagasunod. Maliban sa mga direktang suporta, ang mga kilalang taga-suporta ng terorismong “takfiri” – sa kabila ng mga pinaka makalumang sistemang pampulitika – ay kaalyansa ng kanluran samantalang ang mga bago at mga malinis na kaisipan na bunga ng makabagong demokrasya sa rehiyon ay patuloy na walang awang pinapahirapan.
Ang hind matuwid na tugon at magkakasalungat na patakaran ng kanluran sa mga umuusbong na kilusan sa “Islamic World”ay malinaw na halimbawa ng magkakasalungat na pamantayan ng Kanluran.. Ang isa pang aspeto ng ng pagkakasalungat ng patakaran ay makikita sa pagsuporta ng Kanluran sa mapang-aping bayan ng Israel. Ang mga naaping mamamayan ng Palestine ay patuloy na nakakaranas ng pinakamalupit na uri ng terorismo sa nakalipas na anim-napung taon. Kung ang mga mamamayan sa Europa ay nagtatago na ngayon sa kanilang mga tahanan at umiiwas sa mga matataong lugar – mahigit ilang dekada na ang mga pamilyang Palestino ay hindi ligtas maging sa sarili nitong tahanan mula sa mapamuksa at pumapatay na makinarya ng rehimeng Zionist. Anong klase ng kalupitan pa ba sa kasalukuyan ang mas lalala pa sa pagwasak ng mga tahanan ng rehimeng Zionist? Ang rehimeng ito – na ni minsan ay hindi nakatanggap ng seryosong pagpuna mula sa mga maimpluwensya nitong kaalyado o maski sa mga kung tawagi’y Pandaigdigang Samahan na Walang Pinapanigan – araw-araw ay winawawasak nila ang mga tahananan, kabuhayan at maging ng mga taniman ng mga Palestino. Lahat ng mga ito ay nasasaksihan lamang ng mga tumatangis na mga kababaihan at mga bata, na nanononood ng pagpalo at pagsugat ng ibang miyembro ng kanilang pamilya na kung minsan pa ay umaabot at dinadala sa isang napakadilim na lugar para sa matinding pag papahirap. Mayroon ka pa bang alam na mas matinding pagpapahirap na makakatumbas sa tagal ng panahon at lawak ng sakit na kanilang dinaranas sa panahon ngayon sa mundong ito?
Kung ang pagbaril sa isang babae sa gitna ng daan sa kadahilanang siya ay nag-aalsa laban sa isang armado at mapamuksang kawal ay hindi terorismo, ano ito? Ang barbarismo bang ito ay hindi dapat tawaging sobrang pagpapahalaga sa paniniwala o extremism dahil ginawa ito ng mga sundalo ng mga nananakop na bansa? O di kaya dahil sa pauli-ulit na itong ipinapalabas sa mga telebisyon sa loob ng animnapung taon, kaya hindi na nito nagigising ang ating mga kaisipan?
Ang pananakop ng militar sa mundo ng Islam nitong mga nakaraang taon na kumitil ng hindi mabilang na buhay ay isa pang halimbawa ng magkasalungat na lohika ng mga taga kanluran. Bukod pa sa mga nawalang buhay, nasira ang ekononomiya, industriya, imprastraktura ng mga sinakop na bansa at naudlot ang kanilang pag-angat at pagunlad o di kaya naman ay naantala, kung minsan din ay ay may dekadang napag-iiwanan. Subalit sa kabila ng lahat, may kagaspangan nilang pinagsasabihan ang mga tao na huwag nilang ituring ang saruili bilang api. Paano nila sinisira ang isang bansa at pinupulbos ang mga siyudad at bayan nito at pagkatapos pipilitin ang mga tao na huwag nilang ituring ang kanilang sarili bilang api.Sa halip na pilitin nila ang mga tao na kalimutan ang pinagdaanang trahedya, hindi ba mas makabubuti ang paghingi ng isang tapat na paghingi ng paumanhin? Ang sakit na tiniis ng mga mamamayang Muslim dahil sa pagbabalat-kayo at kawalan ng katapatan ng mga nang-aapi ay halos katumbas ng materyal na pinsala.
Minamahal kong mga kabataan! Inaasahan kung kayo ang babago sa mga baluktot na paniniwalang ito ng pagbabalat-kayo ngayon at sa mga dadating pang panahon: ang pag-iisip na punung-puno ng mga layuning puno ng imahinasyon na nababalutan ng masamang balakin. Sa aking pananaw, ang pinakaunang hakbang upang magkaroon ng seguridad at kapayapaan ay ang pagsasaayos ng ng mga kaisipang pinamumugaran ng karahasan. Hanggang ang magkakasalungat na patakaran ay nangingibabaw sa mga polisiya ng Kanluran at hanggang ang terorismo ay may ibat-ibang mukha sa mata ng kanyang mga makapangyarihang taga- suporta na may mabuti at magandang layunin at hanggang ang interes ng pamahalaan ay nangingibabaw sa moral ng mga mamamayan, ang ugat ng terorismo ay hindi na kailangang hanapin pa kung saang-saang lugar.
Sa kasamaang palad, ang mga ugat nito ay malalim ang pagkakabaon sa kultura ng pulitikang kanluranin sa loob maraming taon at naging simula ng madali at tahimik na pananakop. Ipinagmamalaki ng maraming bansa sa mundo ang kanilang katutubo at pambansang kultura: ang kulturang nagbigay buhay sa mga tao sa lipunan sa maraming taon habang sila ay yumayabong at nagpapadami.Ang mundo ng Islam ay kabilang dito. Gayunman sa kasalukuyan ang mga bansa sa kanluran ang nakikinabang;gamit ang kanilang makabagong kagamitan , pinipilit nilang baguhin ang kultura at pinag-iisa nila ang mundo
Tinuring ko na ang pagpapaunlad ng Kulturang Kanluranin ng kanluran sa ibang bansa,ay isang tahimik at mapanganbp na paraan ng karahasan.Ang pagpapahiya sa mayayamang kultura at pag alipusta ng kanilang mga iginagalang na bahagi habang ang pamalit na kultura ay hindi naaangkop na pamalit dito sa kahit na anong paraan.Halimbawa, ang dalawang sangkap ng mapangahas at walang katinuang asal na sa kasamaang palad ay bahagi ng pangunahing sangkap ng ng kulturang kanluran na siyang nagpababa ng kanyang katayuan at naging dahilan kung bakit hindi katanggap-tanggap kahit sa lugar na kanyang pinag-mulan.
Ang tanong ngayon ay ito; Makasalan ba tayo kung itatakwil natin ang agresibo, kalaswaan na maglalayo sa atin sa Panginoon? Masisisi ba tayo dahil sa pagpigil natin sa sa mga sagabal sa pag-unlad na nakikita ng ating mga kabataan sa ibat- ibang anyo ng produkto ng sining. Hindi ko itinatanggi ang kahalagahan ng pagbubuklod ng kultura dahil ang pagbubuklod na ito ang nagiging daan ng pag-unlad, pag-angat at kasaganaan kung ito ay nagawa sa natural na paraan at sa magalang na pamamaraan para sa tatanggap na pamayanan. Sa kabilang banda, hindi nararapat na ipilit ang pagbubuklod, dahil ito ay hindi magtatagumpay at makakasira.
Ikinalulungkot kong sabihin na ang mga kamuhi-muhing grupo tulad ng Daesh ay bunga ng hindi matagumpay na pagsasanib sa angkat na kultura. Kung ang dahilan ng suliranin ay talagang ideolohiya o paniniwala , ang mga ganitong pangyayari ay dapat matagal ng nakita sa mga bansang muslim kahit pa noong bago ang panahon ng pananakop.Datapwat pinatunayan ng kasaysayan ang kasalungat nito.Malinaw na pinatunayan ng kasaysayan na sa pagsasanib ng kolonyalismo, mga tao na may sobrang paniniwala at mga kasalungat na kaisipan, naitanim nila sa puso at isipan ng mga katutubong grupo ang punla ng radikalismo sa rehiyon.
Samantala, paano umusbong ang rebeldeng grupo ng Daesh mula sa isang pinaka etikal at pinaka relihiyosong paniniwala sa mundo; at kung ituring nilang pantay lamang an ang pagkitil ng buhay ng tao sa pagkitil ng buhay ng buong pamayanan?
Samantala, dapat nating itanong kung bakit may mga taong ipinanganak sa Europa at lumaking matalino at may paniniwala sa Panginoon sa lupang kanyang sinilangan ay nahihikayat ng ganitong grupo?May maniniwala ba na sa loob ng maikling panahon at pagkatapos ng maikling pagdalaw sa lugar na may giyera ay magiging “extremist” ang mga taong ito at mamamaril at papatay ng kanyang kababayan?
Nararapat na hindi dapat ipagwalang bahala ng sinuman ang epekto ng pangmatagalang hindi wastong kultura sa lugar na nalason nang karahasan.Dapat gawin ang ang malawakang pag-aaral, isang pananaliksik na sasaklaw sa sa mga tao at mga pinagkukublihan at pagkasira ng pamayanan. Baka sakaling ang malalim na pagkamuhi na naikintal sa puso ng masa sa mga pamayanan sa kanluran sa loob ng mahabang panahon ng pag-unlad na pang industriya at pang ekonomiya dahil sa hindi pagkakapantay-pantay, at may mga pagkakataong ay bunga ng diskriminasyon ang naging dahilan ng pag-usbong ng hindi pagkakaunawaan.
Gayunpaman, kayo ang dapat makihalubilo sa labas ng inyong pamayanan, tuklasin ninyo ang mga suliranin at dahilan ng mga sama ng loob at ayusin ang mga iyon. Sa halip na palakihin dapat nating ayusin at solusyunan ang mga sigalot. Ang malaking pagkakamali sa paglaban sa terorismo ay ang sobrang bilis na pagbibigay ng reaksiyon na nagpapalaki ng problema. Ang kahit anong kilos batay sa silakbo ng damdamin at pagmamadali ay makapaghihiwalay at magbibigay ng takot sa mga kapatid nating na milyong aktibo at responsableng Muslim na nakatira sa Europa at Amerika at hindi pagbibigay sa kanila ng kanilang mga karapatan ng higit pa noon at ang pagtatakwil sa kanila ng komunidad ay hindi lamang magiging dahilan ng pagkabigong lutasin ang mga suliranin sa halip ito ay magdadagdag pa ng pagkakawatak-watak at hidwaan.Ang mga madalian at biglaang solusyon lalo pa at gagawing ligal ay magbubukas lamang ng malinaw na daan para sa mga krisis sa darating na panahon dahil sa pagtaas ng bilang ng magkakasalungat na pananaw sa buhay.ayon sa mga ulat na natanggap, may mga batas na pinapairal na nag-uutos sa mga bawat mamamayan na manmanan nila ang mga Muslim sa ilang bansa sa Europa.Ang mga ganitong asal ay hindi makatarungan at alam nating lahat na sa ayaw man natin o sa hindi, ang kawalan ng katarungan ay nagbubunga ng kaparehong kasagutan.
Isa pa, hindi dapat pinakikitunguhan ang mga Muslim sa paraan ng kawalang utang na loob.
Kilalang-kilala na ng mga bansa sa kanluran ang mga Muslim sa loob ng ilang siglo;noong mga panahon na ang mga mamamayan ng mga bansa sa kanluran ay nanirahan sa mga teritoryo ng Islam at nagpakita ng interes sa mga kayamanan , at sa mga araw na sila ang punong abala at nakikinabang sa mga trabaho at mga ideya ng mga mamamayang Muslim.Wala silang makita kungdi ang kanilang tiyaga at kabaitan. Samakatuwid, hinihiling ko sa inyo mga kabataan na maglatag ng balangkas ng wasto at mapitagang pakikitungo sa mga Muslim; batay sa tamang kaalaman at malalim na pag-unawa at matuto tayo sa mga aral ng (mga nalalipas na pangyayari) mga trahedya.Sa ganitong paraan, hindi magtatagal, makikita ninyo ang kumpiyansa at tiwalang bunga ng mga pundasyon na inyong itinayo sa ngayon at ibigay nila ang seguridad at katahimikan at isasabog nila ang pag-asa at liwanag ng magandang bukas sa ating mundo.
Seyyed Ali Khamenei
Azar 8,1394: November 29,2015